2.21.2007

...

dear diary,

saya ng valentine's day... sana maulit...

1.01.2007

ako at ang kol center

thank you for calling xbox customer support. hi my name is kc. may i have your name please?

gising na ako ng alas kwarto ng madaling araw. ligo, bihis, toothbrush. wala nang kain kain, baka malate sa office. habang tulog ang marami, ayun, ako, nagkukumayag baka mawala ang 25k ko. 6am-3pm ang shift, sa elj building ng abscbn. madilim pa ang mga kalsada, binabaybay ko na ang edsa.

nakasalubong ko si ai-ai, pati si chad ng pda, at kung sino-sinong artistang kapamilya.

pagdating ng station, kain muna ng noodles, c/o ministop na hindi mo maintindihan kung anong pricing strategy ang ginagamit at napakalaki ng mark-up percentage. ayos ng gamit, konting chika-chika sa mga kakulitang floor support agents at sa mga kapwa temps.

"xbox 360 hardware", biglang sabi ng operator. nangilakbot ang buo kong katawan. sabay dasal na sana mabait ang caller. sana three red flashing lights nalang para send in for repair agad, wala nang churvahan, hinayupak na xbox yan.

americans are not as smart as we filipinos think they are (well, ndi naman ko nilalahat).

caller 1. ang unang-unang call ko pagdating sa floor. garalgal ang boses, chappy pa ang linya ng telepono. matanda around 40s, lalaki. tinanong ko ang pangalan, hindi ko maintindihan, pina-spell ko, ang bilis magsalita, pinaulit ko, sabi ba naman sa akin "i wanna speak to your supervisor!". wow, what a way to start my call center career. unang caller, irate pa! shemaks, 9mins ang normal handling time, pero umabot kami ng 45mins sa telepono.

caller 2. eto masaya.
ago na lang natin sya pangalang josh waters.e di, sinumulan ko ung opening spiel ko, tapos sabi ba naman sakin, "i'm josh waters . fuck you!" and then he hung up. saya diba?

caller 3. "i cannot connect my wireless controller to my console, i'm gonna send it for repair" sabi nya.
"ok, did you plug the power cord of the console directly to the wall socket?" tanong ko.
"do i have to plug it? i thought mine's wireless?"sabi nya.
hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa ako. mainit pa naman ang ulo ko nun dahil nalaman kong may ipis ang siopao sa canteen.
"sir, the only thing that's wireless in your system is the controller. but you have to plug the console first to the socket."
darn stupid caller. and believe me, he's a professional, he just came home from work.

caller 4. "thank you for calling xbox customer support, hi my name is kc, may i have your name please?" sabi ko. then he said, "kc." dahil feeling ko prank call, "uhm, sir, can i please have your name?", sabi nya pa rin "kc". e di medyo naiirita na ako kasi feeling ko talaga niloloko nya ako, "uh, sir, can you please spell your name for me." "it's k-a-y-c-e-e". o diba, kaloko, pareho pa kami ng pangalan.

caller 5. eto the best, "thank you so much sweetie, you've been very helpful. i hope that you'll be the one i'll be talking to when i call back again. thank you for being such a sweetheart. anyway, where are you located? can you give me your e-mail address?" hahaha, o diba, may pet name na siya sa akin. nakahanap ako ng phonepal. hehe. pero siyempre ndi ko binigay ung email ko.

masaya sa xbox, laro lang kasi kami ng laro pag walang ginagawa e, which comprises 90% of our time there. petiks mode palagi.

masaya sa call center. nakakalimutan ko lahat ng problema ko.

isa pa, i'm 25k richer in just 3 weeks. hehe. :)



11.21.2006

ewan..

nalalapit na.
isang dosenang tulog nalang.
ang bilis ng panahon.
naalala ko pa nung una.
may tunaw na ice cream.
tatlumpung minuto sa labas ng bahay.
nakatayo.
naghihintay.
masaya.
may ice buko na may munggo sa dulo.
may piggy back ride sa sunken.
mga takas na paglalakbay sa batangas.
tambay sa narra.
kain sa likod.
away.
bati.
away ulit.
bati na naman.
masaya.
may lungkot.
pag-aalinlangan.
pagtitiwala.
enero tres.
pebrero tres.
marso tres.
abril tres.
mayo tres.
hunyo tres.
hulyo tres.
agosto tres.
setyembre tres.
oktubre tres.
nobyembre tres.
at disyembre tres.
parang kailan lang.
masaya.
sana.

ano na kaya ngayon?
ganun pa rin ba?

ewan.


you may question me now,
you may not know why,
you may be confused,
but someday
... you'll understand

yeah, soon...you'll understand...

11.02.2006

ask and you shall receive...

God loves me. yeah, i'm sure of that.

pero God naman, you so love me na overflowing ang blessings ko, sobra-sobra. :) di ko pa hilingin, meron na agad. pero bakit may mga times na kelangan ko, wala namang dumarating. pero pag dumating, sobra-sobra, nag-uumapaw. ang hirap tuloy hawakan, hindi ko kayang saluhin. bakit ganun? hehe. ang yabang ko naman...

funny but true, minsan naisip ko sana pwede yung kanta ni rico j.

hehe :)

10.22.2006

 Posted by Picasa

8.24.2006

the door opens at 8 and closes at 10

LSS: my immortal by evanescence

the long wait is over. the queen of the damned is back for more exciting trips and adventures inside the kennel.

i could have considered august 22, which was a tuesday, to be one plain day until i reached masaya house. sobrang boring nung araw, tipong pwede mong i-wish sa genie na dalhin ka nalang sa period na silent tv ang pinagkakatuwaan ng mga gurangis. so, pagdating ko ng bahay, patay ang ilaw, as usual, ako na naman ang early bird, 7pm nakauwi na agad ang good girl na si ako. i switched on the ligths, set my things on the table, turned on the tv set, at tumunganga sa nothingness. nang biglang may humatak ng leeg ko at tinutukan ako ng patalim at sinabing "rape to, wag kang sisigaw"... haha, joke lang. hindi totoo yun, sayang, e di sana, madi-dream come true na ako pag nangyari yun, joke lang ulit.

so ayun, back to reality, nanonood ako ng deal or no deal, tapos napatingin ako sa may gilid, may fedex box... aba, at na-curious naman ang lola mo, sinight-sight ang package, ininspect kung saang bansa galing... hindi sa outerspace! sa indianapolis pala, galing kay raphael dela rosa... excited ako, kumuha ako ng kutsilyo at nagsaksak ng sarili, este, i tore open the box, at nagmamadaling dinukot ang laman... yehey!!!! may bubble plastic, basta, whatever you call ung plastic na may bubbles-bubbles na binabalot sa mga bagay para hindi mabasag lalo na yung mga fragile items. so, pinutuk-putok ko muna yung plastic, at ligayang-ligaya sa ginagawa. hehe!

sa loob ng box, naka-balot yung purse at yung pillow ng sweater... yung purse na si tinkerbell ang print, yung mickey mouse pillow, at yung sweater na si mickey rin ang nakatatak. para akong bata na tuwang-tuwang sinuot yung sweater, sinabit sa balikat yung bag, at niyakap yung pillow nang mahigpit na mahigpit....

ayoko na, tinatamad na ulit akong magtype, bukas nalang uli yung continuation...

closed na ang pintuan.

1.09.2006

balot! penoy!

sabi sa logbook sa org namin, ang mahilig magsabi ng "hehe!", mahilig sa sex...

12.31.2005

possible reasons bakit malungkot ang pasko ng mga pilipino (special mention si jingo)

1. walang pera.
sabi ng isang pilosopo, hindi mahalaga ang pera. pero sa totoo, ang pera ang nagpapatakbo ng maraming bagay. kung wala kang pera, wala kang kakainin, wala kang isusuot, wala kang titirhan. basic needs pa lang ng tao, wala na. yun na nga yung pinakamababa sa maslow's heirarchy of needs, e pano na yung self-actualization? lalo ngayong pasko, kung saan sa mga malls, kitang-kita ang magagandang dekorasyon, tumutugtog ang mga christmas carols, maraming nagshoshopping (yung mga may pera), at kung anu-ano pang che-che-bureche ng holiday season. pero, reality check, majority ng mga pilipino ang walang noche buena, walang hamon sa mesa, walang regalo sa ilalim ng christmas tree, ni wala ngang christmas tree e! Christmas exudes the spirit of giving, of sharing... e pano kung ikaw mismo e walang-wala, may maishe-share ka pa ba? so i guess, ito yung isa sa mga malaking dahilan kung bakit hindi masaya ang pasko ng mga tao.

2. hindi na alam yung true meaning of christmas.
"For God so loved the world that He gave His only Begotten Son for who so ever believed in Him shall not perish but have an Everlasting Life" John 3:16
bata pa lang ako, memory verse na namin yan sa Sunday School. so bakit nga ba may pasko? kasi pinanganak ang tagapagligtas ng sanlibutan. Christmas is celebrated to reminisce God's greatest gft to mankind. Pero ngayon, tila yung mga regalo at hamon at magagandang damit na nirarampa ng mga kabataan ngayon ang spirit of Christmas. guilty ako dito.

3. hindi kasama ang mga mahal nila sa buhay.
iba pa rin pag kasama mo ang pamilya mo, ang mga kaibigan mo, at ang minamahal mo. pero may mga reasons kung bakit hindi natin sila kasama. katulad nalang ngayong pasko, hindi namin nakasama ang isang kapatid ko, kasi andun siya sa pampanga. ramdam mo na hindi kumpleto ang selebrasyon ng pasko kapag hindi kayo sabay-sabay na dudulog sa hapag-kainan, na magbubukas ng regalo, na pupunta sa bahay ng mga lolo't lola, mga tito't tita, at kung saan-saan pa na tradisyon nyo nang puntahan. pero things change, and we with time...

4. wala dito sa pilipinas. (huhuhu, jingo, ikaw na to!)
sabi nga nung isa kong kaibigan, "hindi ganoong kasaya ang pasko kapag wala ka dito sa pilipinas". that friend used to live here pero their family migrated to the united states and ngayon,andito siya ulit. iba pa rin talaga ang tradisyon ng mga pilipino. queso de bola, puto bumbong, bibingka, hamon, parol, paputok, caroling, "thank you, thank you, ang babarat ninyo thank you!", aguinaldo, simbang gabi, ampaw (yung pulang sobre na binibigay palagi ng mga ninong at ninang ko, usually 100 ang laman. hehe), sako na isinasabit sa may pinto para kay santa (hindi kasi kasya sa medyas yung mga hinihiling ko e, tsaka walang chimney dito, naglalakad lang si santa kaya sa pinto ko sinasabit), at kung ano-ano pang kalokohan pag pasko. nga pala, mahina ang kita ko ngayon, naka-Php3200 lang ako mula sa mga lola't tiya ko. hehe.

5. at higit sa lahat, hindi totoo si santa claus.
si aegee, may magic wand at laruang cellphone galing sa northpole, sina shaymie at benj may bagong toys, si zak may megasketcher na tomy ang tatak, sina stef, toby at denver may mga toys at damit din na hinatid ni rudolph. sabi ng daddy ko, pag mabait daw ang bata, nireregaluhan ni santa. bakit ako walang regalo? dahil ba hindi ko mabait o dahil hindi na ako bata? marahil, hindi totoo si santa...

p.s. kung may mga ibang dahilan pa kayo, bahala na kayo sa buhay nyo.

12.19.2005

dear santa

the past years, i know i've been a good girl. i graduated from highschool, entered UP, passed math17, and am continuing my studies. i've never been drunk, never will get drunk, and don't want to get drunk. i never smoked. didn't do drugs. i've been a good daughter, or so i think. etcetera, etcetera. the space is not enough for my good deeds. (hehe!)

i never wished for anything for the past 7 christmas. i remember the time you gave me the big tent, barbie doll's house and car and bathroom and kitchen and ken and the pony, the millionaire's game, and a lot, lot more.

but santa, this year, i want to wish for something else, far from my childhood whims,
not for myself but for someone so dear to me. i want him to be happy this christmas. i may not know what would make him happy, but please let him feel the joy i am feeling now. and santa, i want you to thank him for me for all the things he has done and for the bond that we shared and continously sharing.

i want to give him the peace of mind he's been longing for. i know someday, the paths we chose to take today will lead us to the road we'll be taking together as friends.


your little girl,
tin