10.08.2004

eto ako... ang magandang si tin

umaga nang ika-21 ng abril, 1986, ipinanganak ang bunso at nag-iisang babae sa pamilya velarde. tuwang-tuwa ang ang aking mga magulang na sina daniel at ruth, pati na rin ang aking mga kapatid na sina allan at jaycee, dahil pinanganak na ang prinsesa ng pamilya. Kilala ako sa palayaw na tin. Sa ngayo’y nasa ikalawang taon na ako sa kursong bs hotel, restaurant, and institution management sa unibersidad ng pilipinas sa diliman. bangag na sa mga majors haha! ang paborito kong kulay ay green, at sobrang mahilig ako sa stars. nang maintroduce sa akin ang rock music, lalo na ang pinoy rock, nagsimula na akong mangarap maging rock star. mahilig din ako sa arts (parang star..arts at star), lalo na ang pagguguhit. pangarap kong maging arkitekto at gusto kong itayo ang dream house ko. paborito ko ang chocnut. paborito ko si mickey mouse. paborito ko ang city of angels. paborito ko ang my immortal. paborito ko ang spaghetti. paborito ko ang number 12. paborito ko si bob ong at ang kanyang mga libro. naniniwala ako na pag-asa ako ng bayan. naniniwala rin ako na kailangan ng pagbabago ng pilipinas. kailangang maiahon sa kahirapan at pagkakalugmok ang bansang aking sinilangan. ayaw ko sa mga pulitiko. basura ang pulitika. mahilig akong kumanta. at gustong-gusto kong kantahin ang my immortal...kahit ipakanta mo pa sa akin ngayon na! mahal ko ang sarili ko. pati ang mga taong nakapalibot sa kin. dalawang beses na akong nahold-up. itim ang kulay ng mata ko. kulay violet at yellow (parang lakers at parang café diliman sa may fine arts) ang kwarto ko, na minsang pinagtripan ko kaya idinikit ko ang mga sticker ng cd sa dingding. mahilig ako sa musika pero hindi ako tumutugtog ng instrumento. paborito ko ang mathematics pero nagdrop ako ng math17. mahina ako sa geography kaya wag mong itanong sa akin kung nasaan ang isabela province baka sabihin ko sa iyong nasa mindanao. protestante ako at may takot ako sa diyos. crush ko si dennis trillo. wala na si maria clara sa panahon ngayon, dahil hindi na ganoon ang mga babae. gusto ko lagi kakaiba. sobrang mahilig ako sa basketball, pero hindi ako naglalaro. at syempre todo suporta ko sa up fighting maroons. at sa up pep squad. pangarap ko nga makasama sa kanila e. myembro ng up business and service administrators of the philippines. gusto ko din ang badminton. 5’2 ang height ko. isa akong prinsesa. 18 years old na ako kaya pwede na ako manood ng x-rated na palabas. may mapa ng pilipinas na nakadikit sa dingding ko dahil isang araw, gusto kong ipagmalaki sa inyo na kaya kong ma-appreciate ang geography. at syempre mahal ko ang pilipinas. artista. miss ko na ang mga kaibigan ko sa st. james. at mahal ko ang mga kaibigan ko ngayon dito sa peyups. kung hindi mo alam, tong profile kong to ay isang bersyon nung profile ko sa friendster. kaya i-add mo na ako sa friendster account mo ang email add ko, meron ding link dun sa links yung friendster account ko. isang araw, makikila rin ako sa industriya ng turismo. dream car ko ang pajero. wag kang maniwala pag sinabi nilang fashionista at may pagkamaporma ako. dahil simpleng tao lang ako na may malaking pangarap. at ang pangarap ko… magkaroon ng sarili kong pamilya, siyempre yung asawa ko at siyam na anak. ako si tin...at ito ang aking mundo.

ps: love is not blind...it sees...for love sees no boundaries...sees no hindrances...love sees light...for love makes dreams come true…

0 Comments:

Post a Comment

<< Home