sayang ang kfc zinger hot and crispy chicken burger
ala-una ng hapon. papunta akong peyups. sumakay ako ng UP jeep sa may quezon ave. binaybay ang kahabaan at huminto nang naging pula ang traffic light sa may intersection ng agham, at quezon ave. may batang amakyat sa jeep, pinunasan ang aming mga paa na noong una ay malinis, ngunit pagtapos ay dumumi.
gusto kong sipain yung bata dahil sinira nya ang kaka-pedicure ko lang na kuko sa paa. inis na inis ako, tapos kamo, hinihingi pa ang nilalasap kong KFC zinger hot and crispy chicken burger (seventy pesos lang, panihadong maliligayahan ka!). syempre, hindi ko binigay, lelang nya noh! sarap nun e! hindi pa nakuntento sa pag-iling ko at pag-irap, nangangalabit pa! kaya ayun, inirapan ko ulit at tinakam ng aking KFC zinger h0t and crispy chicken burger.
ewan. naiinis talaga ako. pero ewan.

.jpg)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home