10.12.2004

Sentimyento ng isang nagdadalamhati

Mga katanungang nangangailangan ng kasagutan...
(reposted mula sa rockstartin)


Harsh realities…unspoken angst...

1. bakit kapag ang lalaki ang nanloko sa babae, ok lang... e kasi lalaki sila? normal lang daw yan! putek! pero pag babae... hinahamak ng karamihan! binabansagang malandi... langya nga naman ang lipunan!

2. bakit kung kelan mahal na mahal mo na yung isang tao... dun ka nya gagaguhin! “Kung kelan ka nagging seryoso, tsaka ka nya…gagaguhin! O..Diyos ko..ano ba nama ito…?”

3. bakit kapag nagmahal ang isang babae...di niya pwedeng ligawan yung mahal nya??? kelangan nyang mag-intay...kung kelan lumapit yung lalaki tsaka lang pwedeng iparamdaman ang saloobin... e pano kung lumipas na ang ilang taon, la pa rin siya? susuko ka na lang ba nang basta-basta?

4. bakit kapag nagmahal ang isang tao... masasaktan siya?

5. bakit kung kelan ok na kayo...kala mo pwede na... yun pala matutuklasan mo may mahal na siyang iba? parang ganito "mahal kita...pero mas mahal ko siya...kaya paalam na..." tangna! mamatay na sya! pinaasa ka lang niya!

6. bakit kung sino ang gusto mo siya ang ayaw sa iyo? kung sino ang may gusto sa iyo, yun ang ayaw mo? hindi ba pwedeng yung gusto mo na lang ang magkagusto sa iyo o yung may gusto sa iyo ang magustuhan mo?

7. bakit kailangan magpaalam sa taong mahal mo? dahil wala ka nang nararamdaman sa kanya? ipokrita! may nararamdaman ka pa rin sa kanya, siyempre, mahal mo siya... pero siya, wala na!

8. bakit kapag mahal mo isang tao, nagpapakagaga ka sa kanya? tanga! e alam mo bang kaibigan lang ang tingin niya sa iyo? magpapaalam ka na lang ba o pipilitin mong hindi lang kaibigan ang maging turing niya sa iyo? isasakripisyo mo ba ang mabuting pagkakaibigan para lang sa iyong nararamdamang walang patutunguhan?

9. bakit kahit binigay mo na ang lahat... wala pa ring halaga sa kanya? isinakripisyo mo na ang iyong kaligayahan para sa kanya? kasi kung saan siya masaya, diba, dun ka? e masaya siya sa piling ng iba? tanggap mo ba?

10. bakit mahal ko siya?

langyang pag-ibig yan... nauso pa!



*isinulat noong first sem pa, kaugnay dun sa isang forum sa peyups.com, yung love and relationship, na-post na ito doon at maraming mga nagtangkang sumagot sa mga tanong. Pero yung huling tanong...ako lang daw ang makakasagot...

0 Comments:

Post a Comment

<< Home