2.22.2005

ewan.labo.

it's not everyday that I have the chance to change something...

procrasTINation

katamaran. parte na talaga ako nun, pati pangalan ko, andun. putek. i should be doing my make-up paper for panpil19. ngayong 8:30am ang deadline, 7:59am na, wala pa ako nasisimulan. bakit kasi kelangan maging critical paper pa? e hindi gumagana ang utak ko ngayon. hay... goodluck sa akin.

eto, sa halip na sumasagot sa mga guide questions tulad nitong mga to:

4. Ano kaya ang sinisimbulo ng LUPA sa pelikulang ito? Bakit ito ang laging iniluluto o sinasahugan ng Ina sa nasabing pamilya?

5. Ano kaya ang ipinapahiwatig ng paglalakad-lakad sa kalsada ng lolo (yung may bulak sa ilong) sa pelikula? Ano ang sinasabi nito hinggil sa konsepto natin ng patay at kaluluwa?

6. Kung susundan ang naratibo (takbo ng mga pangyayari) ng pelikula, bakit kaya ginawang litson ang bunso (unano)?

10. Nagustuhan mo ba ang pelikula o hindi? Bakit?

e hindi ko talaga masagot. putek na Ang Pamilyang Kumakain ng Lupa na yan o! Kumain na nga lang sila ng lupa forever! sobrang morbid at walang kwenta naman yung film... ewan ko ba..

bakit disoriented na naman ako? feeling ko, sakit na to e... everytime na may ginagawa ako, may sinusulat, o may sinasabi, lagi ako nawawala sa focus, nalilimot ang sinasabi, nawawala yung thoughts na naisip...

ayan, tinatamad na naman ako... kaya matagal ulit bago magkaroon ng sensible na artik dito...