4.20.2005

bukas...

april 21

4.14.2005

and so...

ang toothpaste, kapag nilabas na sa tube, hindi na mababalik pa...

ang pagkain, pag sinuka na, hindi na pwedeng kainin ulit, yuck!

ang ice cream pagnatunaw na, hindi na masarap kainin...hindi na malamig

sa chem, kapag sumobra ng kaunting NaOH sa titration, titindi ang pagka-violet, isang patak lang, crucial na sa solution...

pag ang missed call, nasagot, hindi na siya missed call...duh!

ang mantsa sa damit, mahirap matanggal, kahit ipagpilitan ni lumen, may marka pa rin yun, promise! maniwala ka sa kin!

anong sense ng pagkakaroon ng konsensya kung hindi mo siya makikita pagharap mo sa salamin para sabihin sa iyo 'what went wrong?'

ang utot, kahit gaano mo itago, lalabas yun, masamang hangin pa rin yun na kailangan ilabas ng katawan, natural process na ng katawan yun.

kung ang Diyos nga, marunong magpatawad, bakit hindi ang tao?

para saan ang pagkakaroon ng kaibigan kung kaya mo namang tumayo sa sarili mong paa? tang-ina mo, no man is an island pare!

akala ko nahanap ko na siya, at nahanap nya din ako... pero bakit siya nawala? sana may 'lost and found' din ang pag-ibig. hahanapin ko siya uli, baka naligaw lang...

labo.

4.04.2005

who needs friends?

yeah, who needs them? i do! i know i do.

a week ago, nasira ang cellphone ko. walang numbers na naka-store sa sim kaya napawi lahat ng mga contact numbers ng mga tao, importante man o hindi, kaibigan ko man o mga pasaway na nakikipagtxtmate. everytime someone sends me a message, palagi ko na reply yung "ei sori po, cra kc fone ko, so nilipat ko sim ko sa iba, e walang naka-store number sa sim. tanong ko lang kng cno ka. . tnx". nakakahiya, pero it's one way to retrieve the numbers.

tinext ko si mhers, sinend nya sa akin ang mga numbers ng mga batchmates namin nung higschool, yung iba mga kaibigan ko, ung iba, wala lang. marami naka-sun. kaya hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa, tutal, naka-247 ako.

madami ako nakakwentuhan. so many stories, so little time ang drama. madaming issues, wala akong alam kahit isa. ganoon ako naging 'walang pakialam' sa mga batch namin. masyado akong na-overwhelm sa mga experiences at happenings with my new found friends dito sa peyups. guilty ako of neglecting my old friends.

tinatawagan ko kanina sila, yung iba, hindi sinasagot. sabi ni ice, "bka naman ayaw ka nila makausap." malamang hindi. may klase lang sila.

thankful ako at naimbento ang unlimited calls and texts, kung hindi dahil dun hindi ko makakausap ang mga kaibigan ko. sabi nga ni dikky, "ang problema sa sun, hindi yung load."

magkikita-kita kami ngayong summer (hopefully)! miss ko na sila, miss na din nila ako.

sabi nga dun sa kantang palagi pinakakanta sa amin nung grade three, "make new friends and keep the old, one is silver and the other's gold"

who needs friends? i do, i know you do too.