7.27.2005

pano malalaman kung nag-seseries ang isang hrim student?

reposted and edited from candice nika indunan's bulletin post:

how to spot an hrim student na nagseseries (hrim 104, 105, 109 sec. b) kasabay pa ng ibang majors:

1. mukhang mga factory workers (naka-puting shirt/polo tsaka black slacks and black shoes).
2. kulot ang buhok dahil sa hairnet
3. amoy kusina (yuck!)..halo-halong amoy ng mirepoix, stock, roast, at kung anu-anong ulam na niluto sa NIML.
4. mayroong file folder na sobrang kapal dahil sa dami ng papel na nakasingit
5. always seen with his/her groupmates... paminsan mapagkakamalan pang may relasyon kapag boy at girl ang magkasama dahil talagang magkadikit sila kahit saan! hehe!
6. amoy alak...
7. malaki ang eyebags
8. nangangain ng tao
9. alam mo ang old school
10. baluktot na ang dila sa pagpropronounce ng mga foreign words tulad ng Pinot Noir, sauvignon blanc, Apellation Controlee, mirepoix, Gewurtztraminer, pupitre, degorgement, at kung anu-ano pa.
11. alam mo na parte ng carcass ng baka si Liezel (Casim) hahaha!
12. palagi asa library! yuck!
13. pag may gusto kang bagay, ilalagay mo ang dalawa mong kamay na naka-close fist sa may dibdib tapos magshe-shake ka ng katawan kasabay ng pagsabi ng gusto mong sabihin sa paraang napakamalumanay... (example: "Wooooooow, Authentic Champagne..Dom Perignon!)
14. galit ka sa mga walang kwentang groupmates
15. pag kumain ka sa mga restaurants, panihadong may mahahanap kang pintas!
16. si Mam Parker ay Dean ng CHE
17. kinalimutan mo na si Kuya Charles, may bagong lalaki na sa buhay mo, si Kuya Jess
18. Where are the garlics and the onions?
19. Sir, we were able to buy EVERYTHING! (with the baklang accent)
20. walang panahong tumambay sa tambayan upang makipagchurvahan... andun ka lang para tapusin ang PFR, insti reports at kung anu-ano pang schoolwork
21. hindi mo alam ang meaning ng REST, PAHINGA at SLEEP
22. palagi walang pera ang bulsa
23. bawal ma-late o mag-absent sa 105. sige ka, uulit ka next sem!
24. dumadami ang pimples
25. masakit ang katawan
26. paminsan, may LBM
27. alam mong may bagong version ng tell me where it hurts (105)
28. nagsisigawan
29. kumpul-kumpol pag naglakad (parang frehies)
30. walang inatupag kundi mag-aral! nyek!
31. GC
32. OC
33. KC (haha, si liezel ulit)
34. tapos na ang 104. yes! humingi ng pasalubong kay mam aquino
35. palaging humahangos
36. bigla nalang naiyak
37. bigla nalang natawa
38. proud isuot yung CHEF's JACKET
39. si anton ang pinakamakulit na kaklase
40. wala nang oras... bigla biglang magkakaroon ng klase (out of the blue)
at higit sa lahat...

Magaganda at Magagwapo!

itutuloy ko nalang to, may klase pala ako ngayon... heheheh!

7.18.2005

colonies




si mama bear ay malakas

everything happens for a reason

yeah, right.

maybe God wants me to learn something from this darn situation i currently am experiencing... yeah maybe, maybe God has better plans for me. pilit kong iniisip na ganun na nga.

i've had one of the worst emotional turmoil the past few days. ewan ko pero super bigat at dami ng mga iniisip ko na parang one time sasabog nalang utak ko. the hrim series subjects have been literally draining all of me. never had i expected it to be this nerve-wracking,,, tipong WALA KANG KARAPATANG MATULOG AT MAGPAHINGA!

kahapon yung pinakatuktok ng breakdown ko, I CRIED AND CRIED MY HEARTS OUT. deadline ng preliminary function report and we weren't able to pass our's on time. di tinanggap ni chef. so what? hindi lang naman kami natulog for ilang days just to finish recipe testing, R/D, and all the paper works. sobrang naawa talaga ako kay issa dahil siya yung pinakanahirapan sa amin dahil siya ang executive chef ng group namin.

i know we did our best, i know i did all my best, but i guess it wasn't good enough. 'cause here i am writing this stupid entry, crying again my hearts out, feeling sorry for myself and our group, contemplating on the 'what went wrong', NOT SLEEPING AGAIN.

napag-usapan namin nila ella, KUNG MERON LANG SANANG TAONG NANDYAN PARA SA AKIN, sa min, na papawi ng pagod, na makikinig sa sama ng loob, ngingitian ka sabay sabi na kaya mo yan, na andyan lang siya para sa iyo, tutulong sa yo pag kelangan mo o kahit hindi mo pa sabihin, na wala lang, na magpapasaya sa badtrip mong araw.... that leads me to thinking, bakit wala akong ganun? sana the load will be a lot lighter,,, pero i guess i am not ready to get into a relationship for now, lalo na wala akong panahon. i have erased the bitterness of the past, but i am not yet ready to think of the future. overloaded na ang utak ko, i can't afford to experience another heart break. pucha, eto na naman ako, pasensya na.

naalala ko tuloy, galing dito sa bahay (sa up vill) ang mommy at daddy kahapon, napansin nila na umiyak ako, mugto daw kasi mata ko, e di inexplain ko yung nangyari na hindi tinanggap yung paper na pinagpuyatan namin for ilang days, tapos humirit ang tatay ko na "akala ko kaya ka umiyak dahil sa problema sa pag-ibig". hahaha! natawa nalang ako sabay hirit nang "e wala namang poproblemahin dun kasi wala namang pag-ibig.." haha! natawa nalang ang nanay ko. sabay iyak paglabas nila ng pinto. pathetic ko.

this week: report on Industrial Marketing (hrim170), deadline ng org renewal, meeting with mam malicdem (org adviser), report on Aromatized wine (hrim105), laboratory report on fortified wines (hrim105), institutional report - party central (hrim105), institutional report - ka bero's (hrim104) ... lahat yan in just 5 days. astig noh? sana superhero nalang ako.

which leads me to thinking, kung totoo lang ang genie i would have wished for something, kahit isa lang, ok na ako... GUSTO KO MAGLAHO for a while, tipong tatakbuhan ko nalang problema ko. sabi nila kailangang harapin, e kung sa kanila nalang kaya lahat ng iniisip ko!

p.s.
sira pa yung laser printer ko. i don't know how it happened basta badtrip ako. hell with it!

p.s. part2.
pasensya na, eto lang outlet ko kapag may problema. expect more like this one. mahaba pa ang semestre, malayo pa ang big day ng function.

all those sleepless nights, all the tears i cried...

7.16.2005

para sa mga aplikante


CONGRATULATIONS!

hindi ka nanalo sa lotto! wala lang, gusto ko lang sabihin at dahil cute ako at aplikante ka ng bsap, at binisita mo tong walang kwentang blog ko, at cute ulit ako, eto na yung sagot dun sa KHRISTINE page sa sigsheet nyo. syangapala, secret lang natin to ha, wag mo pagsasabi sa mga co-apps mo na meron nang sagot dito para mahirapan sila magpasagot sa akin, hehe. tska cute ka na rin kapag ikaw yung pinakaunang may sagot sa page ko, pakita mo lang sakin agad.

Pangalan: Khristine Anne Casaje Velarde

Birthday: abril beinte y uno-1986 Edad: 19 Zodiac Sign: Taurus

Address: 49 M. Ablola St. Tangos, Navotas, Metro Manila// 9B Mayumi St. UP Village, Diliman, QC

Year and Course: 3rd- bs hotel, restaurant and institution management

Contact #s: (tanong mo nalang sakin to)

Favorite Color: Green at Pink Cart. Char: Mickey Mouse

Song: Yellow Artist: Coldplay, E-heads, Kyla

Food: Spaghetti Actor/Actress: Charlie Sheen, Catherine Zeta-Jones, Dennis Trillo,

Movie: The Classic, City of God, My Bestfriend's Wedding, Coyote Ugly, City of Angels

Hang-out: sa tambayan tsaka sa Sunken

Hobbies: crafts making, tumambay, makipagkwentuhan,

Motto in Life: Life is too short, so make the most out of it// what you do not know won't hurt you (hehe)// wag mong isipin kung ano ang iisipin ng ibang tao, as long as masaya ka, wala silang pakialam sa iyo//

Ambition: maging arkitekto o kaya housewife with my 9 kids, hehe!

Si Tin ay simpleng tao na may sariling mundo.

Gusto kong ma-meet si Kristin Kreuk, Raymond Bagatsing at Andres Bonifacio

Crush ko si Raymond Bagatsing, Romnick Sarmienta, at si (sikret na to)

Love is being in the state of uncertainty, you'll never know what to expect, as long as you've given it all, even if that someone doesn't give a damn, share it. you'll never know if it is the last time you'll ever feel the feeling. Never hope, never expect, love purely, no matter what.

Happiest Moment: Pumasa sa UP

Suking tindahan: Aling Nena's


yey! mwah!