10.15.2005

ano ka ga?

(ang mga pangalan ng mga tauhan ay sadyang pinalitan para sa kapakanan ng karamihan.)

hindi ako batangueno. hindi ako pinanganak sa batangas. at lalong wala akong lahing ala-eh.

dalawampu't anim na buwan na ang nakalipas mula nung una akong makadaupang-palad ng kabilang sa lahi ng mga manginginom ng kapeng barako at taga-kalikot ng balisong. sa magulong mundo ng HRIM ko natagpuan si beauty. kaklase sa math 17 at eng1, sabay kaming nakain ng tanghalian, kakwentuhan. kasa-kasama nya rin noon si bona, ang kanyang ever-trusted friend. yun nga laang, natapos ang semestre. hindi na kami naging magkaklase nang sumonod na sem.

first year, 2nd sem. AY 2003-2004. Sa hindi inaasahang pagkakataon, na-dissolve ang klase ko noon sa comm3 kaya kailangan kong humanap ng klase na tatanggap sa tulad kong nawawala. at doon ko nahanap ang klase ng aming bunsong baboy (hehe). sa klaseng iyon, nakilala ko ang maraming tauhan na sadyang nag-iwan ng matinding marka sa aking buhay, lalo na ang aking prinsipe. at natapos ang isang napakagandang semestre.

2nd year, first sem. kami'y muling nagtagpo ni beauty sa accounting. at doon, napabilang ako sa underground revolutionary movement na kung tawagin ay PNAC o Paksyet na Accounting Class.

doon ko rin nakasama ng kainaman ang original bakla ng grupo, si tita toby. siya ang nagpalabas ng noon ko'y tinatagong kabadingan. sya ang nagpauso ng mga salitang time space warp ngayon din at kung ano-ano pang kalokohan na sila ni beauty ang pasimuno. (ngunit si tita toby ay hindi batangueno, lahi ni aguinaldo ang lola mo!)

noong semestre ring iyon ako napasama sa bahay-bahayan na kung tawagin ay CARROT. sa kulay kahel na bahay na iyon sa matimtiman nabuo ang pagkakaibigang hanggang ngayon ay aking iniingatan. mga gabing walang tulog dahil panay ang churvahan, mga umagang tanghali na kung simulan dahil sa mga antok na diwa, at kung anu-ano pang alaalang hindi malilimutan ng sino man. isang gabi, birthday ni bunso, naganap ang dalawang pangyayaring nagpabago ng buhay ng dalawa nating tauhan, ang buhay ni beauty at buhay ko. sa gabing iyon, nagsimula ang talambuhay ni beauty kasama si tatay, noong gabing iyon nagsimula ang buhay kong may pilat sa binti dahil sa paso ng plantsa. kainaman ako ga?!

sembreak, bahay-hopping ang trip naming lima, dito sa navotas, tapos cavite, tapos batangas, batangas, at batangas ulit.ngunit hindi ako nakasama sa batangas trip nila dahil kinailangan kong bumalik nang maynila para sa matters of the heart. hehe. tinawag ni prince charming ba ga!

pagtapos,ay nakasama namin si krizie, isa ring luka. pakitang-gilas nung una, siya palagi ang nag-uurong ng mga kasangkapang iniwan sa lababo. pero nang kalaunan, napagod na yata. kasa-kasama sa mga gabing walang magawa, lalo na nung brownout, at napagtripang mag-dugtungan. rez cortez-tess bomb-bomb sex-sex-y topacio-ciondara-rasmus-musang-sangdara. tila lahat ay nagtatapos kay sandara. ehehe.

nagkaroon ng car stuffing, at kasali ang organisasyon ng mga ala-eh. doon ko nakilala ang karamihan.

lumipat kami sa mayumi pagkatapos manakawan ng pantalon ang aming bunso doon sa rooftop. kaya naman kahit maraming mga alaala ang naiwan sa rooftop na iyon, napagpasyahan na rin na iwan ang nakaraan. dun kami napadpad sa mayumi. kinailangan naming sumakay ng traysikel papuntang philcoa, jeep pa-mrt, taft station, bus papuntang naia, eroplano papuntang inglatera, and back. actually, sa kabilang kalsada lang.

si nanay/gigi ang nakasama namin kasunod. pinapakain nya ako sa mga panahong ako ay "mahirap, pulubi, patay-gutom, walang kang kakainin mamaya!". yan si nanay. paminsan, katulig lang ang matinis na boses, lalo pag nagsabay na sila ni bunso. pero love ko yan, kasi siya taga-ayos, taga-sira at taga-ayos na rin ng pc kong bulok.

umalis si bona. pero di kalaunan, nakasama namin si babe at ang artistahin naming housemate. dun na nagsimulang dumugo ang ilong ko sa mga gabing walang ginawa kundi makipagpalitan ng mga kuru-kuro kasama si babe. "there are things..." at mga kung anek-anek na mga questions about love ang ibabato sa iyo ng nakakapasong nilalang na ito. sspppsssss. pero kami lang ang may parehong liko ng bituka sa ganitong bagay, kaya natotolerate ko ang mga usapang sex, este, love kasama sila.

ang artistahin naming housemate, walis ng walis, hindi naman marunong magsuro. pero ayos lang, ako ang taga-suro nya. masipag, at it's complicated ang drama. ang pinakamatangkad naming kapamliya. taga-ayos ng pundidong ilaw, taga-agiw ng kisame, taga-kabit ng kurtina, pag merong gagawin na nagrerequire ng height, aba, who you gonna call? ghostbusters! nyek.

ngayon, mahigit isang taon ko na kasama ang ilan, mahigit kalahati naman ang iba, pero one thing's for sure, hindi magiging ganito kasaya ang buhay-peyups kung wala ang mga dyosa. yan ang mayumi.

p.s. nakalimutan ko si jenny, ang aming resident moomoo sa bahay. sabi na sayo magpapaalam ka muna sa akin kapag gagamit ka ng pc ko e, hindi yung basta basta mo nalang binubuhay, kaya ayun, natatakot tuloy kami. tsaka wag mo akong pinupukol ng sipit kapag ako lang mag-isa sa bahay. tsaka wag mong kinakaladkad yung silya dyan sa itaas lalo pag lahat kami ay nasa ibaba. tsaka wag mo ring kinukuha yung mga bagay na di sayo ayan tuloy, hirap hanapin, tapos ilalabas mo nalang kapag hindi na namin kailangan. tsaka wag kang oorder ng tubig pag hindi namin sinabi, ayan tuloy, ipinangalan sa yo ang resibo. freaky.


dedicated to the mayumi girls: (batangueno) melah, verna, krezia, eden, ella at mykel. pati rin si mhie na kabitenyo, at kay leslie (batangueno) na hindi na namin kasama ngayon. tsaka ang aming special mumu friend na si jennylyn


0 Comments:

Post a Comment

<< Home