there are three things a person can't hide:coughingpovertylove.the harder one tries to hide them, the more they rise to the surface. but there are times when you still want to hide them...Love is a self inflicted pain...Love comes to us in different ways but it's also the same... - il mare (the sea)
suicide note
gandang araw... as i would always say at the end of my text message...
why wish them a good day, when i know mine would never end up that way? kung hindi lang din magiging masaya araw ko, sana hindi lang din masaya araw ng iba. selfish ko noh, pero bitter lang talaga ako. so many things happened, so little time. di na ako maka-cope sa bilis ng takbo ng mga bagay-bagay. napapag-iwanan na nga ako. daming papers na hindi nasubmit, daming exams na hindi napaghandaan, daming opportunities na pinalampas, dami... nakakalunod
tangnang buhay to. syet, bad word. kakagatin ko dila ko. tangna talaga. ooops...dila ko lang naman ang may kagat, hindi ang mga daliri ko. nung sabado, sabi sakin ng isang kaibigan, "magjoke ka nga". napatigil ako. nag-isip. pero walang naisip. bakit kung kelan kailangan ko ng joke, tsaka hindi pa nagpaprocess ang utak kong puno ng ka-corny-han. kaya naijoke ko na naman ang walang kamatayang "anong hayop ang medyo mainit? e di worm!" bakit ako lang ang tumatawa sa joke na to? nung una ko marinig yun, hagalpak ako sa tawa. kahit hanggang ngayon pag iniisip ko, natatawa pa rin ako. ewan. ang babaw ko.
nagfe-friendster ako ngayon. at syet. totoo pala yung tsismis. nanganak na nga yung isa naming batchmate. totoo pala yung kumakalat na balita dati na buntis sya. nasa friendster nga yung picture nila ng baby nya.
nakakain na ako sa mang jimmy's. masarap sana kaso hindi na overflowing ang rice. limited na. wala akong load.
"may mga bagay na kahit alam mong mali, hindi mo kayang pigilin. kung pwede lang huminto ang oras, kung pwede lang maglaho, sana'y tinangay na lang ako ng hangin sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin, walang pupuna, walang maling kilos, walang maling desisyon, walang mapanuring mata. pero realidad ay ito, lahat napupuna, lahat maling kilos, mahirap magdesisyon. bakit kasi may mga bagay na darating upang guluhin ang magulo mo nang buhay. bakit? nagtatanong ako. pero kahit naging mas magulo ang buhay ko, naging masaya ako, kahit sandali lang... ang bilis ng isang linggo.."
naiinis ako. naiirita ako. hindi, nagagalit ako. sa tatlong tao sa buhay ko. mamatay na sila...ay hindi, wag, marami iiyak, marami luluha. ako nalang...
gandang araw!
Tangna... ang mga excerpt sa buhay ng prinsesang nakaunghay sa mga tala
02.11.05 1:40 pm FN11 lec. ALON hall.Antok.Si Ma'am, dada nang dada. Walang tigil, walang patid, Hydrolitic Rancidity in Fats ang topic. Blanching, makakadestroy daw ng enzymes. Ang dami nya sinasabi. Nkakauta. Mga nasa trenta anyos na si Ma'am. Bata pa ang hitsura, maganda, matalino, pero talagang naiirita ako sa boses nya, parang kukong kumakayod sa blackboard. Nakakatulig. Hindi ko siya maintindihan. Inaantok ako.Ang setting, isang malamyang hapon, sa laboratory room kapag nagluluto kami. nakaupo ako sa isang station, sa likod ni Ezipotpot na may nakapasak na earphones sa tenga. Sa may gitnang table, nakaupo ang mga Sandy Daza at Heny Sison ng klase, tahimik, at buong-lugod na nakikinig at nagtetake down ng notes. wala pa si mama Melah, wala pa din si papa Marvz, malamang hindi na darating ang mga iyon. Iba-iba ang courses namin. May fudtek, flcd, he,at lima lang kaming hrim mula sa batch namin. nakakalungkot. Delayed kasi kami dahil sa hinayupak na chem16.Hikab.Kanina, nakasama ulit namin si Anton, ang aking long lost friend. Kumain kami sa kenny. nalagasan ako ng dalawang daan nang walang kalaban-laban. pucha. Kahapon dapat magkikita kami ni viktor, may meeting ang mga pct at candidates ng buklod. Hindi ako nakapunta, stranded dahil sa ulan. Miss ko na siya. ewan.Tulog.Masakit ang tiyan ko. Masakit din ang ulo ko. Information overload. Mamaya, aCHEng pageant na. sasayaw kami. back-up dancers sa Heartbreaker ni buddy Wiwi at Mhie. pa-sexy ang outfit. pero damn, ang laki pa ng tyan ko dahil sa sandamukal na chicken-kanin-corn & carrot-exra rice-mashed potato-iced tea na kinain ko. Kanina, nanood kami sa CSSP Multimedia Room nung documentary tungkol sa Hacienda Luisita Massacre. naiyak ako. Kumupas ang eye liner ko.Panaginip.Naghilamos ako. Nag-ayos. Nablush-on. Kahapon, umuwi ako sa bahay sa Navotas. Sobrang traffic sa Sangandaan dahil sa demolition na ginawa. Umulan. Naka-shades ako. Badtrip. Nakakaawa yung mga nawalan ng bahay. wala na ngang matitirhan, nabasa pa ang mga gamit. Nakakaawa yung mga "stockholder" ng Las Haciendas de Luisita. P9.50 per day ang sahod. Isang araw lang sa isang linggo ang trabaho. Pano sila kumakain? paano sila nabubuhay? Ewan. Naalala ko tuloy, naaawa ako sa kuko ko, dalawang linggo nan hindi napapa-manicure.Sub-conscious state.Nagreklamo ako sa nanay ko dahil kulang na kulang ang dalawang daan kada araw at extrang isang daan para pamasahe pauwi kapag weekends. kaya binigyan niya ako ng extrang P500 kahapon. Walang-wala nang pera si mommy pero binigay nya pa rin sa akin. Tinanggap ko kasi deficit na ako, lunes pa lang, trenta pesos nalang natira sa whole week's allowance ko. Nagbayad ako ng napakalaki para sa mga readings sa FS. lintik.Bangungot.Naka-oxygen pa rin si kuya. sobrang payat. buto't balat na talaga. Naaawa ako sa kanya pero wala akong ginagawa. Nung tambay night, sumama loob sa akin ni nayka. nung lunes, si mhie naman. week before, si mommy, nagtampo sa akin. hindi kami nagkikita ni vikor. ayaw sa akin ng prof ko sa span. ayoko rin sa kanya. hindi na kami nagkikita ng mga kaibigan ko sa st james. may pumapapel sa buhay ko. magulo ang buhay. bagsak ako sa chem nung summer, nung ni-re-take, cuatro. math17-dropped, 2nd take, 2.5/2.75 (hindi ko maalala), INC sa badminton at sa hrim 102, hanggang ngayon hindi ko pa tapos ang affiliation. bumabagsak ako unti-unti sa fn. buti nalang pasado sa fs. espanol once es muy deficil. wala akong pera. said na. bakit ko pa kasi hinulog yung pera ko dun sa alkansyang pinaikot ng league of filipino students kanina para sa mga trabahador ng haciend luisita. naawa kasi ako sa kanila, pero naawa rin ako sa sarili ko dahil hindi ako naglunch dahil dun. naawa din ako dun sa aleng namamalimos sa overpass sa philcoa. pero hindi ko siya nabigyan dahil wala akong pera nung nadaanan ko siya.Sigaw.churva. Yan ang salitang natutunan ko this past few weeks. walang meaning. sabi ni verna, pwedeng gamitin kanit ano. kahit saan. walang malin usage. lahat tama. basta nagkakaintindihan kau ng kausap mo. sabi ko kay Ma'am Roscom, "Ma'am, paki-churva naman tong letter of request ko oh," a kinuha nya yung letter ko, at chinurva nga nya..o diba? nagkaintindihan kami! lufets. Chumorva ako ng chocolate sundae kagabi sa jollibee (hi, verna!), chinuchurva nung batang pulubi sa labas yung kinakain ko. Aba, isang subo palang ang nachochorva ko, chochorvahin na niya?! Manigas siya! Ang sarap kaya ng choco sundae! Churva!Bangon.Malapit na Valentines Day. sa lunes na. Tatlong tulog nalang. Ano mangyayari?! May date ba kami? Ayoko umasa. Tapos nun, quince na, limang buwan na kami.Wala lang.Waaah! Tubig! hindi nagrereply si Wilcare Aqua. Break na yata sila ni Krizzie (joke!). Iniinom namin ang tubig gripo. Sana hindi ako mamatay sa Escherichia Coli.Tulog ulit.Malapi na ang campaign period. Mangangampanya na si Viktor.More or less, labingwalong araw na kami hindi nagkikita. Ang labo. Mahal ko siya.Mababaw na panaginip.Puro bulaklak. Naglalakad ako sa isang harding puno ng bulaklak. Churva. Nanaginip akong naglalakad sa isang harding puno ng bulaklak. Tumugtog ang isang classic na kanta. May mga tao sa paligid. Nakaputi silang lahat. May mga kalapating lumilipad, may rainbow.pero more or less, maaliwalas ang pnahon. Andun si tess, si buding, si jenny at jeng, si madi at mel, si kring, si lealei, si jr, si kiko. andun si armi, andun si lawrence, si viktor. andun din si jed, kasama nila krezia, si melah, mhie, verna, eden, leslie. pati si feng at ate kate. andun si mane, marvin, yen, nayka, cel at issa gurl. everyone is present, pati yung aleng pa-bagets na nakasakay ko sa jeep. buong pamilya ko andun. Napatingin ako sa harapan. may lalaking nakaputi, gwapo, mukhang mabait, disente. andun din yung pari. tumingin ako sa likod, andun si daddy, masayang-masaya. pero bakit naka-itim yung kasama nya? sino yun? hindi ko makita. Nakatakip ng belong itim ang babae. itim ang kuko, ang make-up. freaky. may hawak siyang bulaklak, everlasting. Nagsimula silang maglakad. Kasal nga to.Natapos. Reception na. Masarap ang pagkain. Ang ganda ng cake, may desenyong couple sa ibabaw, nakaputi. nagtaka ako, bakit yung bride nakaitim?Oras na para sa tradisyunal na paghahagis ng bulaklak. Nakiagaw ko. Nasapo ko ang everlasting. pero may tumurok sa dibdib ko. dun ko naramdaman yung hapdi...unti-unting tumutulo ang dugo sa aking...traje de boda. oo, naka bridal gown ako. unti-unti akong pinapatay ng turok na yon. humihingi ako ng tulong, pero walang pumapansin. parang hindi nila ako nakikita. sinubukan ko silang lapitan. pero hindi ko sila nahawakan. ano to? Tangna. Bangungot pa din.Tangna, patingin-tingin ka pa. Ang hirap talaga pag bitter noh? kawawa ka naman.Biglang bangon. Sabay sigaw.Hah, putek, inaantok na talaga ako...eto seryoso na, itutulog ko na to. zzzzzzzZzzzzZzzz...Gising.Dismissed na ang klase. Uwian na.