6.21.2005

series of unfortunate events

104, 105, 109...

im dying...

6.03.2005

yuck!

ever felt so useless?

parang cellphone na walang nagtetext, parang wallet na walang pera, parang damo pero patay na yung kabayo...

well, ako oo.

ngayon, di ko alam what i am going through, di pa naman ako menopausal, pero i feel like one.i'm helpless. sabi nila, crying could somewhat lift a pound on the burden you are carrying, pero pucha, kung ganun lang din, dapat tipong ilang kilo na nabawas sa mga pinapasan ko.

talo ko pa si erik sa pagiging bum. at least siya nakagraduate na. siguro kung napunta ako sa arki, i could have done things better kasi iba yung drive dun, sa acads, iba ang pressure. tsaka pwede kong maabot ang pangarap ko, ang gumawa ng sarili kong palasyo. pero ok lang, if not because of hrim, di ko makikilala yung mga kaibigan kong kahit binabalahura ako, andyan pa rin at handang tumulong sa akin.

kaya sa mga panahong ganito, ewan ko, inaatake ako ng pagka-cheesy ko. kadiri! pero eto:

kay issa_gurl: super thanks sa lahat, sa pakikinig sa mga walang kwenta kong problema at paulit-ulit na kwento. salamat kasi kahit alam mong mali ang mga desisyon ko sa buhay, hindi mo ipinupokpok sa ulo ko, kasi minsan kapag kelangan ko ng makakausap, kelangan ko lang ng tengang makikinig hindi ung ipapamukha pa sa akin ang maling desisyon ko sa buhay. salamat din nga pala sa pagsalo sakin kung minsan, tsaka sa pagiging group mate sa 104, 109 at 170! kaya natin to! i wish you happiness big time! and "everything!" (with the girly accent, and all.)

kay nayks: pasensya na sa mga pagkukulang ko kung minsan lalo na pag natatarayan at nababara kita. alam ko minsan na-ooffend na kita, pasensya na ganito lang talaga ako, miss-know-it-all, pero ang totoo, isa akong walang kwentang tao, pero maganda naman tulad mo! o diba? hehe! basta, salamat din kasi palagi ka andyan at nakikinig sa akin. salamat sa friendship, i know hindi lang pangcollege ang pagkakaibigan natin, panghabambuhay and the life after... talo pa ang "till death do us part!" hope maging masaya ang series kahit ngarag parati!

sa mga diosa kong housemates: you're the best guys! pasensya na sa mga panahong bigla nalang akong gigising habang natutulog tapos sisigaw ng "parang ang laki ng bahay natin a!", at kung minsan ay para akong tanga. salamat din nga pala sa pakikinig sa mga walang kwenta kong kuwento. ksp lang talaga ako. salamat sa mga pagkaing pinapakain nyo sa kin sa mga panahong isa akong "mahirap, patay-gutom, wala kang kakainin mamaya!" mahal ko kayo!

kay mommy: salamat sa pag-aaruga... salamat sa pagmamahal... salamat dahil ibinigay kayo ng Diyos sa akin...

kay daddy: mahal ko po kayo... utang ko sa inyo ang buhay ko, ang pangarap ko, kung ano ako ngayon... salamat sa lahat...

kay lawrence: salamat sa unang heartbreak.

kay teacher babes at teacher dina (kindergarten), ms milan (grade1), ms edna cruz (grade2), ms pili (grade3), sir gino-gino, mam lorrie, mam villaflor, mam vega, mam dela cruz, sir gerry, sir felix (grade5), ms habana, ms nievera, sir ablola, mam mary, mam lanie, sir reyes (grade6): salamat sa isang masayang experience. salamat sa mga grades na natanggap ko, sa mga karangalang ibinigay nyo, sa kasiyahan, sa seryosong pag-aaral, sa paglalaro ng Da-Math, sa Hamon sa MLC, sa Science Quiz Bee, sa Math Olympiad, sa Pascual Roque Scholarship exam, sa Philippine Science High School Entrance Exam, sa ALPES (acceleration tests na ipinasa ko nang dalawang beses pero hindi ako pumayag na magpa-accelerate, hehe!), sa NutriQuiz sa Ever Commonwealth, sa mga saturday Math classes, sa mga excused absences, sa special pass sa school library at premises na offlimits sa mga regular students, sa mga Christmas Parties at Programs, sa pagsayaw ng folk dances as well as mga acting breaks, sa mga perfect scores sa periodical tests, sa mga pagpukpok ng kamay dahil mahaba ang kuko, sa mga afterclass review sessions para sa mga contests...at sa iba pang hindi na maalala ng Celeron kong utak.

kay mam sanchez: salamat sa pagtitiwala. salamat sa pagbibigay sa akin ng pagkakataong patunayan ang talento ko, salamat sa naabot kong 3rd Place sa National Finals ng MTAP-DECS-NCR Math Quiz Bee nung grade four. salamat sa mga chocolates kapag tinatamad na ako mag-aral, sa mga McDo meals na nililibre sa akin kapag may review sessions kapag weekends na ayaw kong puntahan. salamat sa pagpapatawas sa akin nung inakala nyong na-duwende ako, at sa pag-alala nung nilalagnat ako habang nag-exam ako nang National Finals ng Math Quiz Bee, sa katalinuhang ibinahagi, sa lahat-lahat, utang ko sa inyo ang pinakamasayang araw sa buhay ko, nung umakyat ako sa stage ng La Salle greenhills upang kunin ang parangal ko.

kay ditse: salamat sa pagturing sa aking sarili mong anak.

kay lei: salamat sa friendship.

sa mga blockmates ko: salamat sa masayang peyups life.

sa mga orgmates ko: trabaho tayo! hehe!

sa mga hs batchmates ko: salamat sa natapos nang apat na taon.

kay tess: andito lang ako, salamat sa pagkakaibigan.

kay kring: baliw ka talaga! luv ya sis!

kay ian: salamat sa load! pasesya ka na sa walang habas kong pang-aasar! masanay ka na, well alam kong sanay ka na, dahil wala akong balak itigil ang pambabalahura ko! haha, joke!

kay kuya jef: tnx sa mga pangangamusta! you never failed to put a smile on my face especially when i'm super duper mega over down!

kay sir kim (accounting): asset = liability + owner's equity!

kay kuya: pagaling ka na! mahal na mahal kita kahit lagi mo ako inaaway! di ko kayang makita kang naghihirap! i always pray to God na pagalingin ka Nya lalo na para kay Zak.

kay tokwa: magbagong buhay ka na! stick to one lang bro! bumabalik ang karma! hehe! pero i love you bro! always take care, basta pag kelangan mo ng magpipinta ng walls mo, andito lang ako, gawin nating stripes yan!

sa pamilya ko: salamat!

kay stef: kasing ganda mo ako!

kay art: wisdom tooth! ipagpatuloy yan!

sa mga kaibigan ko: salamat sa pagdamay!

kay jingo: yung mickey mouse sweater ko!

sa mga groupmates ko sa series: kaya natin to, walang susuko, ang sumuko, panget!

sa mga tao sa paligid: salamat sa mga masasayang pagsasama, salamat din sa mga panlilibak, salamat sa mga panghuhusga, salamat sa mga problema, salamat sa papuri, salamat sa pagpapahalaga, in short, kahit anong gawin nyo, salamat!

kay viktor: salamat sa lahat! i guess this is what God wants us to be... siguro may plano siyang mas maganda para sa atin. i wish you happiness at lahat ng maganda sa mundo, tanggap ko na. finally.

sa mga nakalimutan ko: sorry, Celeron lang ang utak ko.

sa nasa itaas, sa lumalang sa akin at sa buong mundo, sa iyo aking Diyos: salamat sa buhay!


p.s:
teka pala, sa nagbasa ng walang kwentang post na ito: ang tyaga mo! pagpatuloy mo yan!