1.01.2007

ako at ang kol center

thank you for calling xbox customer support. hi my name is kc. may i have your name please?

gising na ako ng alas kwarto ng madaling araw. ligo, bihis, toothbrush. wala nang kain kain, baka malate sa office. habang tulog ang marami, ayun, ako, nagkukumayag baka mawala ang 25k ko. 6am-3pm ang shift, sa elj building ng abscbn. madilim pa ang mga kalsada, binabaybay ko na ang edsa.

nakasalubong ko si ai-ai, pati si chad ng pda, at kung sino-sinong artistang kapamilya.

pagdating ng station, kain muna ng noodles, c/o ministop na hindi mo maintindihan kung anong pricing strategy ang ginagamit at napakalaki ng mark-up percentage. ayos ng gamit, konting chika-chika sa mga kakulitang floor support agents at sa mga kapwa temps.

"xbox 360 hardware", biglang sabi ng operator. nangilakbot ang buo kong katawan. sabay dasal na sana mabait ang caller. sana three red flashing lights nalang para send in for repair agad, wala nang churvahan, hinayupak na xbox yan.

americans are not as smart as we filipinos think they are (well, ndi naman ko nilalahat).

caller 1. ang unang-unang call ko pagdating sa floor. garalgal ang boses, chappy pa ang linya ng telepono. matanda around 40s, lalaki. tinanong ko ang pangalan, hindi ko maintindihan, pina-spell ko, ang bilis magsalita, pinaulit ko, sabi ba naman sa akin "i wanna speak to your supervisor!". wow, what a way to start my call center career. unang caller, irate pa! shemaks, 9mins ang normal handling time, pero umabot kami ng 45mins sa telepono.

caller 2. eto masaya.
ago na lang natin sya pangalang josh waters.e di, sinumulan ko ung opening spiel ko, tapos sabi ba naman sakin, "i'm josh waters . fuck you!" and then he hung up. saya diba?

caller 3. "i cannot connect my wireless controller to my console, i'm gonna send it for repair" sabi nya.
"ok, did you plug the power cord of the console directly to the wall socket?" tanong ko.
"do i have to plug it? i thought mine's wireless?"sabi nya.
hindi ko alam kung iiyak ako o tatawa ako. mainit pa naman ang ulo ko nun dahil nalaman kong may ipis ang siopao sa canteen.
"sir, the only thing that's wireless in your system is the controller. but you have to plug the console first to the socket."
darn stupid caller. and believe me, he's a professional, he just came home from work.

caller 4. "thank you for calling xbox customer support, hi my name is kc, may i have your name please?" sabi ko. then he said, "kc." dahil feeling ko prank call, "uhm, sir, can i please have your name?", sabi nya pa rin "kc". e di medyo naiirita na ako kasi feeling ko talaga niloloko nya ako, "uh, sir, can you please spell your name for me." "it's k-a-y-c-e-e". o diba, kaloko, pareho pa kami ng pangalan.

caller 5. eto the best, "thank you so much sweetie, you've been very helpful. i hope that you'll be the one i'll be talking to when i call back again. thank you for being such a sweetheart. anyway, where are you located? can you give me your e-mail address?" hahaha, o diba, may pet name na siya sa akin. nakahanap ako ng phonepal. hehe. pero siyempre ndi ko binigay ung email ko.

masaya sa xbox, laro lang kasi kami ng laro pag walang ginagawa e, which comprises 90% of our time there. petiks mode palagi.

masaya sa call center. nakakalimutan ko lahat ng problema ko.

isa pa, i'm 25k richer in just 3 weeks. hehe. :)